Oo nga.Maganda nga talaga ang Si Agimat At Si Enteng Kabisote. hehe. super nakakatawa. nakakahiya kasi ang lakas ng tawa ko, puno pa naman ung mga upuan sa cinema house. :D Ang mas masaya pa, finally pinayagan na din ako ni Daddy na magbasa ULIT ng pocketbook! Nung nag-umpisa kasi akong magbasa, naadik ako. nagdala na ako ng iba’t ibang pocketbooks dito sa bahay. Hiram lang naman ang mga yun, pero sa sobrang kaadikan ko, nakaka-3 pocketbooks ako sa isang araw. Nagalit tuloy ung daddy ko kasi ang kapal na nga ng salamin ko, sinisira ko pa lalo yung mga mata ko. At isa pa daw, ang hirap ko na daw utusan - which is, totoo naman. *sigh* Kaya magmula nun, ayaw nilang naririnig sa akin ang salitang “libro”, “pocketbook”, “Stallion Riding Club”. yung Stallion Riding Club ang series ng libro na binabasa ko. 53 books ang kasama sa series na yun, in which 31 books na yung nababasa ko. Kanina galing kami sa SM, nanood ng movie. eh 1:30pm kami dumating, 3:40 naman ang umpisa ng movie. kaya pumila muna kami ng ticket, saka naglibot. Ngayon nagpaalam kami ng friends ko na bababa saglit sa ground floor at pupunta ng National Bookstore. Ayaw ni daddy kasi nga diba puro libro dun. kaya lang di ako matiis ni Daddy, lumingon sya sakin tapos sabi nya, “Oh sige. Bumaba ka na. Dapat 3:30 andito na kayo ha? magkita tayo sa ano.” and then ayun nga, tuwang tuwa kami. Kasi adik kami ng mga bestfriends ko sa libro. Pero bago pa ako maka-isang hakbang, sabi ni Daddy, “oh teka, eto pocket money mo. mag-ingat ka ha.” tapos binigyan ako ng P100.00. Grabe, di talaga ako matiis ni daddy. ayun, bumili ako ng libro. Actually P150.00 ang pocket money ko kasi may P50.00 ako, pero yung gusto kong libro, saktong P100.00 lang. kaya ayun. Mahal na mahal ko talaga ang daddy ko. kung iniisip niyo na mahal ko siya dahil lang binibigay niya ang lahat ng gusto ko, oo tama kayo. Pero hindi lang yun ang dahilan. Mahal na mahal ko din siya kasi ayaw na ayaw niyang nakikita akong malungkot, kahit yung mga kapatid ko. Ako nga yata ang pinaka-spoiled sa aming magkakapatid, kasi hindi naman sa lagi akong binibigyan, pero lagi akong PINAGBIBIGYAN. Sa aming magkakapatid, ako ang pinaka-matipid at ako lang yung binibigyan ng hindi humihingi. Pero pag humihingi ako, binibigay nila agad-agad, lahat ng hingin ko, samantalang yung mga kapatid ko, binibigyan nga pero hindi lagi, kahit madalas sila mag-request. Chapter 2 na ako ngayon sa libro KO. hehe. Oo sa akin yung libro. Super saya ko kasi dalawa na ang libro ko. yung isa binili ko nung pagkatapos akong pagbawalan na magbasa ng libro. hehe. ang pasaway ko noh? Pinagbawalan na nga, bumili pa. Pero at least, pwede na akong magbasa ulit! hehe. Thank You , Lord. Ang saya ng araw na ito sa buhay ko. Thank You din po sa Daddy ko. Lord, pwede pakisabi kay Daddy na mahal na mahal ko siya? Pwease? hindi ko kasi masabi ng personal eh. Aminin, ikaw rin di mo masabi diba? :) Thanks, Lord.ang ganda ng Christmas & New Year gift sakin ni God. Gonna watch a movie with my pinsans and bestfriends at SM Rosales! Birthday kasi ng bestfriend kong si Joy kahapon. Kahapon sana kaming apat (ako, si Joy, saka yung kambal kong bestfriend) magsisine sa CSI Lucao sa Dagupan (taga Pangasinan kasi ako), pinayagan na yung mga bestfriends ko. Bihira kasi na payagan yung kambal kong bestfriends eh - as in bihira. Kaya nung pinayagan sila na magsine sa malayong lugar, super tuwa kami. Kanina paggising ko, sabi ni dady magpapa-carwash sila. Tapos sabi nila sa SM nalang daw kami magsine. Eh syempre nataranta ako kasi akala ko di ko na makakasama yung mga bestfriends ko. Sa Dagupan pa nga lang, madami nang bilin yung parents nila. Sa SM Rosales pa kaya? Sa Dagupan kasi, 20 minutes lang ang biyahe. Sa SM Rosales naman, almost an hour. Kaya tuwang tuwa kaming apat kasi pinayagan sila! hehe. kaya ayun, aalis na kami mamaya. Just waiting for Dad. Hmm, ano kayang panonoorin namin? haha :) That awkward moment when somebody on Facebook tells you that they’re going out then you suddenly realized that they maybe going on “Go Offline”err. it sucks. it seems that they just wanna get rid of you. Nasagi ko lang yung project ni Ate at ng classmates niya, instant sugat agad ang inabot ko.Tatlo pa. ANG GANDA NA NGA NG ARAW KO, SINIRA PA NYA.Nanggaling kami ngayon ng family ko sa christening party ng pinsan kong si Maiko. Maraming oras din kaming nag-stay sa venue ng party, tapos nag-stay din kami sa bahay nila para magpahinga. Super ganda na ng mood ko, pero may nangyare - nangyareng hindi maganda. Pag-uwi namin ng bahay, nagukas ako ng fb. nagulat ako kasi a day ago lang ako huling nag-update ng account ko, tapos 32 agad ang notifs ko - ‘yun pala na-flood ang notifs ko kasi madaming nagla-like at nagco-comment ng album pics ko, wall posts ko, etc. Then may napansin ako, yung kinaiinisan kong classmate (actually kinaiinisan ng buong klase including boys), she tagged me into one of her videos. Nagulat talaga ako kasi ‘yung title ng video ang ang pangalan ko mismo - as in AKO TALAGA MISMO! Pinanood ko ‘yung naturang video, ‘yun pala ‘yung video ko ‘nung kumanta ako sa harap ng buong klase. Kasi may role-playing kami nung araw na ‘yun at kailangan naming mag-impersonate ng TV show at the same ng artista. Pinili ko si Agua Bendita, since kumakanta naman siya ay napili kong kumanta nalang ng “I’ll Never Get Over you Getting Over Me” para sa Willing Willie, which is ‘yung ginagaya naming TV show. ‘Yung time na kumanta ako, sinisipon ako kaya parang ngo-ngo ako magsalita, tapos masakit ang lalamunan ko ‘nun kaya ‘yung matataas na tono na part ng kanta ay hindi ko naabot kaya medyo natawa ang klase. So ‘yun nga, pinost nya sa fb ‘yung Isusumbong ko siya sa mga kasimpatya ko sa klase, I’m sure they will hate her MORE and MORE the way I do. Nakakahiya naman kasi, eh kasi naman, marami kaya kaming schoolmates na nasa fb, tapos tinag pa nya ako, Ah basta, I HATE HER SO MUCH! I’m sorry I have to say these craps right now, kahit Christmas, kasi hindi ko talaga mailabas ‘yung galit ko dito sa bahay. Salamat talaga sa TUMBLR for helping me release everything I feel and calm me down. Basta, kahit maliit lang ‘yun na bagay para sa ibang tao o kahit sakanya, ayaw ko parin ‘yung ginawa nya. Ni hindi man lang sya nagpaalam sa gagawin nya. Well, di nya kasi alam na bawat bagay na ginagawa nya, binabatikos ng mga taong akala nyang kaibigan nya pag nakatalikod na sya. Isa na ko dun, kasi nga dba, we have to be plastic to her because she is SOOO sensitive. I hope maintindihan ako ni God. Sa ginawa nya, matanong ko lang.. |
|
|
